Friday, November 28, 2014

You'll Never Forget Your First..

Eto ang pinaka una. I bought this for my sister's wedding. This is only 1300 php from Mario D' Boro.






Thursday, November 27, 2014

Window Shopping

Ako si Mark, hindi tunay na pangalan. Nagtratrabaho sa Makati pero di ako sosyal. Laking public school. Elementary, high school at College lahat public. Hindi naman kami sobrang hirap pero di kami mayaman hindi rin kami matatawag na may kaya. Kung ito man ang middle class well ito na nga siguro.

Hindi din ako mahilig sa sapatos. Nagtratrabaho na ako pero ang pampasok ko na sapatos ay isa o dalawang pares. Hindi din ako collector nang kahit anong bagay. Napapaisip din ako kung ano ba ang naiisip ng mga collectors. Ano ba ang nakukuha nila?

Minsan naisip ko, ano kaya kung meron kang isang daang sapatos. Kung pumapasok ka nang limang beses sa isang linggo hindi mo magagamit ng tatlong beses ang lahat ng sapatos mo kung ang isang sapatos ay para sa isang araw.

Hindi naman ako bibili ng mamahaling sapatos. Yung mga nabibili natin sa SM or Robinson's o sa iba pang pamilihan. Mga pampasok na shoes. So wish me luck.

Ang susunod na entries ko ay ang mga nabili kong sapatos. Hmmmmm, magkakano na ba ang sapatos ngayon?